Isang hiwaga ang
pag-ibig na maituturing na tinik at rosas. Maraming pusong pinaluha ngunit
marami ring pinaligaya. Katumbas ng pag-ibig ang sakit at pagpaparaya. Walang
tiyak na sukatan ang pag-ibig. Ang pag-ibig ay isang laro lamang. Kung
tinadhana ang mabuting kapalaran ay pinagpala ka bagaman kung pagkasadlak naman
ay dapat na marunong kang lumangoy sa kapalarang maramot sa iyo.
Tulad
ng mundo, ang pag ibig may araw at gabi. May mga pagkakataong ang pagmamahalan
ng dalawang magkasintahan ay kasing liwanag at init ng araw, at kung minsan
nama’y kasing lamig at dilim ng gabi. Ang pag-ibig ay parang kawayan at narra
din. Sa una’y kinakaya lahat ng hamon, ibayo man ng malakas ng ihip ng problema
at balakid ay babangon at babangon parin, ngunit hindi maglalaon ay matututo
naring sumuko. Unti unting luluwagan ang taling nag-uugnay hanggat sa ito’y
makalas na; Tuluyan nang matumba at kailanma’y di na muling babangon pa.
Isang
malaking katanungan ang bumabagabag sa bawat isipan ng isang tao, “May tunay
bang Pag-ibig?” Isang pag-ibig lamang ang maaaring sabihing tunay at walang
hanggan, it ay ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Ngunit dito sa mundong
ibabaw, may kislap pa ba ng pag asa ang makikita ng mga taong patuloy paring naghahanap
nito?
Isumpa
mo ang taong nagsasabing kailanma’y di naghanggad nga makatikim ng tamis ng
tunay na pag-ibig. Marahil lahat ng tao sa ibabaw ng mundo’y naghanggad niyan.
Sino ba ang may ayaw na pagkamulat nila sa umaga ay mukha ng kanilang
pinakamamahal ang bungad ng kanilang mga mata? Tunay ngang kay sarap umibig,
ngunit kung anong tamis nito ay siya namang pait ng pagkasawi.
Sa
mundong ibabaw, di na mabibilang ang mga taong nasaktan, mga pusong nasugatan,
buhay na nawasak, at patak ng mga luhang nasayang. Marami na ang taong di na
nasikatan ng araw matapos masaktan ng lubusan. Di na mabibilang ang mga taong
nalunod sa kanilang sariling dugo dahil sa pagkitil ng kanilang sariling buhay.
Maraming bata ang isinisilang ng walang Ama sapagkat buntis pa lamang ang Ina
ay iniiwan na. Marahil kasing dami na nang tubig sa Dam ang mga luhang
pumapatak bawat gabi sa unan dulot ng pagpait ng dati’y matamis na
pagmamahalan. Maraming nakatakdang magpakasal ang sumakal sa sarili at
nagpatiwakal dahil hindi sinipot ng kaniyang iniirog sa araw sana ng lagdaan na
sila’y magsasama habang buhay. Marami na ang ibedensya na nagsasabing walang
tunay na pag ibig sa mundong ibabaw.
Isang
malaking himala at biyaya na ng Diyos ang makatagpo ng isang taong magmamahal
sa’yo ng lubos; Isang tao na iaalay ang sariling buhay para sa’yo. Sapagkat sa
panahong ito, ang pag ibig na tunay ay tulad ng mga buhok sng taong nakakalbo,
unti- unting nalalagas, naglalaho! Napakasakit ang masaktan; nakakapagod na ang
lumuha at umasa na may tunay pang pag ibig sa lupa.
Sa
lahat ng bagay at bawat araw may leksyon tayong natatamo. Sa araw na ito, isang
malaking katotohanan ang ating napagtanto; Itaga natin ito sa lahat ng semento
at bato upang di na ito mawala sa ating mga isipan: Walang tunay na pag ibig,
WALA! WALA! WALA! Desperada lamang ang taong patuloy na naghahanap nito.
Sapagkat walang tunay na pag ibig sa mundo! WALA! WALA! WALA!
No comments:
Post a Comment